Bakit mahalaga ang pagsagot sa 2020 Senso?
Ang mga istatistika ng senso ang magsasabi kung paano ilalaan ang bilyun-bilyong dolyar na pederal na pondo sa mga komunidad sa buong bansa para sa mga kritikal na serbisyong publiko tulad ng pagtugon sa emergency at sakuna, mga ospital at mga healthcare program, mga paaralan, at mga kalsada at tulay sa susunod na 10 taon. Ang epekto ng pandemyang COVID-19 ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng 2020 Senso at kung paano makakatulong ang pagtugon sa pagbibigay hugis sa ating kinabukasan at makakatulong na maibigay ang mga kritikal na serbisyo na ginagamit nating lahat. Ang mga programang maaapektuhan ng mga istatistika ng 2020 Senso ay ang mga sumusunod:
Mas nakatatanda at mga populasyon na may mababang-kita:
• Medicare para sa lahat ng 65 taong gulang at mas matanda
• Medicaid health insurance para sa mga taong mababa ang kita
• Supplemental Nutritional Assistance Program (SNAP)
• Children’s Health Insurance Program (CHIP)
Mga estudyante sa kolehiyo:
• Federal Pell college grants
• Mga kaloob para sa karera at teknical na edukasyon
• Mga kaloob para sa edukasyon ng adulto
Mga maliliit na bata:
• Head Start
• National School Lunch Program
• Titulo IX na Pagpopondo para sa mga paaralang mababa ang kita
Mga serbisyong pang-emerhensiya at pagtugon sa sakuna
Ang COVID-19 ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng ating bansa para sa tumpak na data ng senso nang sa gayon ay magkaroon ang lahat ng komunidad ng sapat na resources upang harapin at pagplanuhan ang mga darating na mga emerhensiya tulad ng mga emerhensiyang nauugnay sa public health, bagyo, lindol o sunog. Ang iyong tugon ay makakatulong sa mga ospital at healthcare facility, first responders, at mga lokal na pamahalaan na maging handang maglingkod sa kanilang mga komunidad.
Mga desisyon sa negosyo
Ginagamit ng mga may-ari ng mga negosyo ang estadistika ng senso upang gumawa ng mga oportunidad na pangkabuhayan at pantrabaho. Ang mga istatistika ay makakatulong sa kanilang pagpapasiya kung saan sila dapat kumuha ng mga bagong empleyado, magbukas ng mga bagong lokasyon, at marami pang iba.
Pagkatawan sa kongreso
Tutukuyin ng mga resulta ng 2020 Senso ang bilang ng mga upuan na matatanggap ng bawat estado sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng U.S. Naaapektuhan din ng mga resulta ang mga distritong pangkongreso at pambatasan ng estado.
Paano tumugon
Ang mga indibidwal ay maaaring tumugon sa 2020 Senso online sa 2020CENSUS.GOV/tl sa pamamagitan ng telepono, o sa pamamagitan ng koreo hanggang Oktubre 31, 2020. Kinakailangan gamitin ng mga tumutugon ang address kung saan sila maninirahan hanggang Abril 1, 2020, kahit na sila ay pansamantalang lumipat dahil sa COVID-19, o sa iba pang dahilan. Isang tao lamang ang dapat tumugon para sa isang sambahayan. Ang mga census taker ay magsisimulang bumisita sa mga tahanan na hindi pa nakakatugon sa kalagitnaan ng Agosto 2020 upang matulungan ang mga sambahayang kumpletuhin ang talatanungan.
Makipag-ugnayan sa amin:
@uscensusbureau on Twitter and Instagram
Para sa karagdagang impormasyon:
2020CENSUS.GOV/tl