Ang Kagawaran ng Transportasyon ng Lungsod ng Los Angeles (LADOT) ay nagsasagawa ng isang hybrid na pampublikong pagdinig para ipakita ang mga natuklasan mula sa pagsusuri sa equity ng pamasahe para sa planong Pagpapanumbalik ng Pamasahe ng LADOT Transit sa Enero 2025. Ang Pampublikong pagdinig ay gaganapin sa petsa at oras sa lokasyong nakalista sa ibaba:
PETSA AT ORAS: Miyerkules, Oktubre 16, 2024 Tanghali – 1:00 PM
LOKASYON: Caltrans Bldg, Room 1.040C
100 South Main St.
Los Angeles, CA 90012
Sumali at Makilahok sa Pampublikong Pagdinig: Puwede kang pumunta sa address sa itaas at dumalo sa pulong nang personal. Pakitandaan, kailangan mong dumaan sa seguridad para makapasok sa Gusali ng Caltrans, kaya inirerekomenda na planuhin mong pumunta sa Gusali ng Caltrans humigit-kumulang kalahating oras bago magsimula ang Pagdinig.
Makilahok sa Pampublikong Pagdinig Online sa pamamagitan ng Zoom:
Magiging available ang access sa videoconference sa pamamagitan ng Zoom software sa:
https://zoom.us/join
Available ang Teleconference nang Walang Bayad sa pamamagitan ng pag-dial sa
1-877-853-5247 o 1-888-788-0099
Meeting ID: 862 8078 3615 Passcode: 731946
Magrehistro nang maaga para sa Pampublikong Pagdinig Online:
https://us02web.zoom.us/webinar/register/WN_fVOeulAVSViXf19z_jWh0g
Accessibility at Tulong sa Wika: Ang mga kahilingan para sa mga makatwirang akomodasyon mula sa mga indibidwal na may mga kapansanan o sinumang tao na may Limitadong mga kasanayan sa English na nangangailangan ng tulong sa wika para makipag-usap ay dapat makipag-ugnayan sa LADOT Transit sa 213-412-8921 nang hindi bababa sa LIMANG araw ng negosyo bago ang pulong para bigyang-daan ang LADOT Transit na gumawa ng mga pagsasaayos upang matiyak ang accessibility o tulong sa wika.
Mga Karagdagang Paraan para Magkomento: Kung hindi ka makadalo sa pagdinig nang personal, puwede kang magsumite ng mga komento hanggang Oktubre 24, 2024 tulad ng sumusunod:
gamit ang mensahe sa phone: 213-412-8921
gamit ang mail: Kay Sasaki, Hearing Officer LADOT Transit
201 North Los Angeles St., #16
Los Angeles, CA 90012
gamit ang email: [email protected]