Ito ay serye ng Medicare Tips hatid ng Clever Care Health Plan, isang nangungunang tagapagbigay ng East meets West Medicare services na sensitibo sa kultura ng kanilang mga miyembro.
Ayon sa nakaraang survey na ginawa ng AARP, malaking bahagi ng Asian American at Pacific Islander seniors ang nagsasabi na sila o ang kanilang mga pamilya ay naging biktima ng panloloko o fraud.
Say that they or their families have been targets of fraud, one third ng mga nabiktima ay nanakawan ng $15,000 on average.*
Sa Clever Care, misyon namin ang mapabuti ang mga buhay ng aming mga miyembro sa pamamagitan ng pagkakaroon ng in-language resources para sa kalusugan ng komunidad. Para sa mga malapit nang mag-65 o mayroon ng Medicare, narito ang ilang tips para maprotektahan ninyo ang inyong sarili laban sa Medicare Fraud.
Ilang pangkaraniwang examples ng Medicare fraud at abuse:
- Billing para sa services o supplies na hindi naman binigay
- Pagbibigay ng unsolicited supplies to sa beneficiaries
- Maling paglalarawan ng isang diagnosis, identity ng beneficiary, sa serbisyong ginawa, o iba pang facts para sumingil ng bayad
- Ang pag-prescribe o pagbibigay ng sobra o hindi kailangan na tests o serbisyo
- Ang pagtanggi na magpadala ng bill sa Medicare para sa covered services o items, at sa halip ay ang beneficiary ang pinagbabayad
- Ang paghingi ng Medicare numbers sa seminars, events at/o mga unsolicited na mga tawag
- Ang regular na pag-waive ng co-insurance o deductibles
- Ang sabihan kayo na kailangang ipadala ang inyong lumang card para makakuha ng bagong card. Ang pag-replace ng paper card ng chip card.
- Ang tawagan kayo para sabihin na napadala na ang inyong bagong card, pero nawala ito sa mail.
- Ang pagtawag para ma-verify ang inyong impormasyon para sa Medicare. Hihingin ang inyong pangalan, address, social security number, at Medicare numbers.
Tips para maiwasan ang fraud:
Do’s:
- Protektahan ang inyong Medicare Number at Social Security Number.
- Gumamit ng kalendaryo para ma-record ang lahat ng inyong doctor’s appointments at anumang tests na ginawa sa inyo. Ikumpara ang mga ito sa inyong Medicare bill at siguraduhin na pareho ang mga petsa.
- Suriin ang inyong Medicare claims at Medicare Summary Notices para sa mga serbisyong naka-bill sa inyong Medicare Number na hindi ninyo hiningi o pinagawa.
Don’ts
- Ibigay ang inyong Medicare card, Medicare Number, Social Security card, o Social Security Number sa kahit sino, maliban ang inyong doktor o mga taong alam ninyong kailangan ito:
-
- Hinding-hindi kayo tatawagan ng Medicare para sa inyong Medicare Number o iba pang personal na impormasyon—maliban na lang kung may pahintulot ninyo in advance.
- Hinding-hindi kayo tatawagan ng Medicare para bentahan ng kahit na ano.
- Puwede kayong makatanggap ng tawag mula sa mga tao na papangakuan kayo ng iba’t-ibang bagay—ibigay niyo lamang ang inyong Medicare Number. Huwag magpaloko.
- Hinding-hindi kayo bibisitahin ng Medicare sa inyong bahay.
- Hindi kayo puwedeng i-enroll ng Medicare sa telepono maliban na lang kung kayo ang unang tumawag.
- Tanggapin ang offers ng pera o mga regalo para sa libreng care.
- Pahintulutan ang kahit sino, maliban ang inyong doktor o ibang Medicare providers, na suriin ang inyong medical records o recommend services.
Kung hindi ninyo mahanap ang kailangan ninyong malaman tungkol sa fraud at abuse sa Medicare.gov, tumawag lamang sa in-language helpline hatid ng Clever Care Health Plan.
Handang magbigay ng libreng konsulta ang aming Tagalog-speaking agents, at inyong maging gabay sa aming proseso. Tawag na: (833) 388-2461 (TTY: 711), Ang aming business hours ay mula 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes hanggang Biyernes.
* * *
* Source: AARP 2018 Study “AAPI Community at High Risk for Fraud”
Ang Clever Care Health Plan ay isang HMO plan na may Medicare contract. Ang enrollment ay naka-depende sa contract renewal. Ang Clever Care Medicare Advantage Plan ay offered lamang sa mga residente ng Los Angeles County, Orange County, at San Diego County.