Ito ay serye ng Medicare Tips hatid ng Clever Care Health Plan, isang nangungunang tagapagbigay ng East meets West Medicare services na sensitibo sa kultura ng kanilang mga miyembro.
Para sa malapit nang mag-65, maraming desisyon na kailangang gawin para sa inyong healthcare coverage. Importante ang maintindihan ng lahat ang Medicare para masulit ang paggamit ng marami nitong mahusay na services. Narito ang 10 pagkakamali na kailangang iwasan para inyong ma-maximize ang inyong Medicare coverage, makatipid, at para makapili ng plano na tama para sa inyong pangangailangan.
#1 Not comparing benefits of Original Medicare with Medicare Advantage plans:
Ang bawat plano ay may iba’t-ibang out-of-pocket costs at benefits. Ang pagkumpara ng mga serbisyo ng bawat plano ay ang paraan para hindi kayo magbayad ng unnecessary premiums at deductibles.
#2 Forgetting the Medicare sign-up deadlines:
Tatlong buwan bago at pagkatapos ng inyong 65th birthday, puwede kayong mag-sign up para sa Medicare. Kung ito’y inyong makaligtaan, kailangan ninyong mag-sign up sa loob ng enrollment period mula Oktubre 15th hanggang Disyembre 7th. Ang pag-sign up sa general enrollment ay mag-reresulta sa delayed coverage at mas mataas na Part B at D premiums.
#3 Misunderstanding when your job insurance is second in line:
Kapag kayo ay nag-65, considered ang Medicare bilang inyong primary at retiree coverage. Ang COBRA coverage, o severance benefits ay considered na secondary. Dahil sa isip nila sila ay covered na, akala ng maraming tao na hindi na nila kailangang mag-enroll.
#4 Missing the Special Enrollment period:
Kung mayroon kayong retiree coverage o COBRA kapag kayo’y nag-65, kailangan ninyong mag-sign up para sa Medicare sa loob ng 3 buwan bago o pagkatapos ng inyong kaarawan, o sa loob ng annual enrollment period. Kung mawala ang inyong employer sponsored insurance sa inyong pag-retiro, mayroon kayong walong buwan para mag-apply sa panahon ng special enrollment periods ng Medicare. Ang pag-miss ng deadline ay mag-reresulta sa pagkakaroon ng gaps sa inyong coverage, at mas mataas na lifetime premiums.
#5 Misunderstanding your out-of-pocket costs:
- Premium: Ang monthly charge para sa planong pinili.
- Deductible: Ang flat amount na kailangan ninyong bayaran bago simulang mag-bayad ng
- Copayment: Ito ay isang fixed amount na kailangang bayaran para sa specific services tulad ng pagkonsulta sa doktor o pagtanggap ng iba pang medical service.
- Coinsurance: Sa bawat pagbisita sa doktor o pagtanggap ng service, may porsyento na sa inyo ang gastos.
#6 Signing up for a Medicare Advantage plan that does not include your health care providers:
Kung mayroon kayong preferred health care provider, alamin muna kung sila’y sakop ng network ng inyong bagong plano. May ilang Medicare Advantage plans na hindi covered ang services ng mga doktor na labas sa kanilang network.
#7 Failing to choose a drug coverage plan that best suits your prescriptions needs:
Maraming Medicare Advantage plans na may kasama ng prescription drug (Part D) coverage. Ang bawat Part D plan ay may listahan ng covered drugs na kung tawagin ay formulary. Ang gastos at coverage ng bawat gamot ay puwedeng mag-bago bawat taon. Kung ang inyong gamot ay hindi kasama sa formulary ng inyong plano, puwede kayong humingi ng exception para ma-cover ang inyong gamot.
#8 Not changing plans mid-year if needed:
Puwede kayong mag-switch ng plano sa loob ng tatlong key periods:
- Medicare Annual Enrollment Period: Oktubre 15th – Disyembre 7th
- Medicare Advantage Open Enrollment: Enero 1st– Marso 31st
- Medicare Special Enrollment Period para sa qualifying life event: Nag-iiba ang periods depende sa qualifying event tulad ng pagkawala ng inyong health coverage o paglipat ng tahanan.
#9 Assuming you are covered under the same plan as your spouse:
Ang Medicare ay para lamang sa individual basis; hindi covered ng inyong plano ang inyong asawa. Kung ang inyong asawa ay hindi pa 65, maari silang makakuha ng coverage sa ibang paraan, tulad ng sa kanilang trabaho o sa COBRA.
#10 Assuming you cannot afford Medicare:
Maraming paraan para maging abot-kaya ang Medicare.
- Ang Medicare Saving Programs* ay tumutulong para bayaran ang Part B premiums at posibleng Medicare cost sharing.
- May ilang federal programs na tumutulong para mabayaran ang inyong drug plan coverage.
- Maraming Medicare Advantage plans, tulad ng hatid ng Clever Care ay available with $0 monthly premium at mababang, predictable out-of-pocket costs para sa mga serbisyo.
Para sa mga detalyeng sakop ng inyong Medicare plan, tumawag lamang sa in-language helpline hatid ng Clever Care Health Plan. Handang magbigay ng libreng konsulta ang aming Tagalog-speaking agents, at inyong maging gabay sa aming proseso. Tawag na sa (833) 388-2461 (TTY: 711), mula 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes-Linggo simula Oktubre 1 hanggang Marso 31, at 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes-Biyernes simula Abril 1 hanggang Setyembre 30.
* * * * * * * * *
* Source: Medicare.gov “Medicare Savings Programs”
Ang Clever Care Health Plan, Inc. ay isang HMO plan na may Medicare contract. Ang enrollment ay naka-depende sa contract renewal. Ang Clever Care Medicare Advantage Plan ay offered lamang sa mga residente ng Los Angeles County, Orange County, at San Diego County.