Ito ay serye ng Medicare Tips hatid ng Clever Care Health Plan, isang nangungunang tagapagbigay ng East meets West Medicare services na sensitibo sa kultura ng kanilang mga miyembro.
Para sa malapit nang mag-65, maraming desisyon na kailangang gawin para sa inyong healthcare coverage. Maraming mahusay na serbisyo ang Medicare, pero karamihan sa dental services ay hindi covered ng Original Medicare plan. May mga ilang Medicare Advantage Plans na nag-aalok ng extra dental benefits. Narito ang ilang helpful tips para inyong maintindihan ang Medicare dental coverage at kung paano piliin ang plano na tama para sa inyo.
What does Original Medicare cover?
Ang Original Medicare ay may dalawang parte, Part A (Hospital Insurance) at Part B (Medical Insurance). Hindi covered ng Original Medicare ang routine dental care tulad ng exams, cleanings, fillings, pagbubunot ng ngipin, pustiso, at karamihan sa dental care services. Gayunpaman, ang anumang emergency o komplikadong dental procedure na kailangang gawin habang naka-admit sa ospital ay covered ng Original Medicare. Halimbawa, covered ng Original Medicare ang pagbunot ng ngipin kung kailangan ito para ihanda ang panga ng isang pasyente para sa radiation treatments, ang oral examination na kailangan para sa isang kidney transplant, operasyon para sa panga o mukha dahil sa isang aksidente, o iba pang mga pagkakataon ng emergencies o komplikasyon.
Kung may plano kayong mag-enroll, o kasalukuyan kayong naka-depende sa Medicare, pag-isipan ang pagsali sa Medicare Advantage plan upang makatanggap ng coverage para sa routine dental care, at benefits na higit pa sa puwedeng ibigay ng Original Medicare.
How to get more coverage
Ang Medicare Advantage plans (Part C at Part D) ay alok ng mga pribadong insurance companies na aprubado ng Medicare. Sa mga planong ito, tatanggap kayo ng mga serbisyo na covered ng Original Medicare, plus karagdagang mga benepisyo na partikular sa inyong plano. Depende sa pribadong insurance provider na inyong pinili, puwede kayong makatanggap ng routine dental services tulad ng
oral exams at cleanings, crowns at pustiso. Sa Clever Care Medicare Advantage HMO plans, kasama ang mga benefits tulad ng:
• Routine dental cleanings, exams, fluoride treatments, at X-rays.
• Hanggang sa $400 allowance kada tatlong buwan para sa mga karagdagang serbisyo tulad ng fillings at restorations, root canals, bridges at implants, pustiso, pagbubunot ng ngipin, at iba pang services.
• $0 copays para sa Medicare-covered services, dalawang cleanings at exams, isang fluoride treatment, isang X-ray, at karagdagang mga serbisyo na sakop ng allowance bawat taon.
Bukod pa rito, covered ng Clever Care Medicare Advantage ang iba pang supplemental benefits tulad ng vision, hearing, prescription drugs, at Eastern medicine treatments tulad ng acupuncture, massage, reflexology, herbal supplements, at marami pang iba!
Para sa mga detalyeng sakop ng inyong Medicare plan, tumawag lamang sa in-language helpline hatid ng Clever Care Health Plan. Handang magbigay ng libreng konsulta ang aming Tagalog-speaking agents, at inyong maging gabay sa aming proseso. Tawag na sa (833) 388-2461 (TTY: 711), mula 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes-Linggo simula Oktubre 1 hanggang Marso 31, at 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes-Biyernes simula Abril 1 hanggang Setyembre 30.
Ang Clever Care Health Plan, Inc. ay isang HMO plan na may Medicare contract. Ang enrollment ay naka-depende sa contract renewal. Ang Clever Care Medicare Advantage Plan ay offered lamang sa mga residente ng Los Angeles County, Orange County, at San Diego County.