Patuloy ang Kawanihan ng Senso ng U.S. sa pagsubaybay sa mga epekto ng COVID-19 sa mga operasyon para sa 2020 Senso at pagsunod sa gabay ng pederal, pang-estado (state) at lokal na mga awtoridad sa kalusugan upang masiguro ang kaligtasan ng aming staff at ng publiko. Handa nang ianunsyo ng Kawanihan ng Senso ang pagbabalik ng mga operasyon bukod sa operasyong Pag-update Pag-iwan at pag-fingerprint sa mga bagong staff na paparating na upang magsagawa ng isang kumpleto at wastong 2020 Senso.
Hanggang sa araw na ito, mahigit 90 milyong sambahayan ang tumugon sa 2020 Senso, na may mahigit sa apat sa limang sambahayang ginagawa ito online. Maaari pa ring sumagot ng mga tao nang mag-isa online, sa telepono o sa pamamagitan ng koreo — ang lahat ay hindi kinakailangang makatagpo ng tagapanayam.
Kabilang sa mga update sa operasyong nakabalangkas sa ibaba ang operasyong Pag-update sa Bilang, operasyong Hindi Tugon na Pag-followup, Operasyong Malayong Alaska, mga kaganapang sosyohan, programang Mobile na Tulong sa Palatanungan (MQA), at ang pinagsamang kampanyang komunikasyon at sosyohan.
Muling sisimulan ng Kawanihan ng Senso ang Pag-update sa Bilang sa Hunyo 14.
Ia-update ng mga tagapanayam ang listahan ng mga address ng Kawanihan ng Senso sa malalayong bahagi ng hilagang Maine at timog-silangang Alaska, at iinterbyuhin ang mga sambahayan para sa 2020 Senso. Dahil malalayo ang mga lugar na ito at may mga katangi-tanging hamon upang makarating dito, personal na kinokolekta ng mga tagapanayam ang mga sagot sa senso, sa halip na imbitahan ang mga sambahayan na sumagot online, sa pamamagitan ng telepono o sa pamamagitan ng koreo.
Gaya ng inanunsyo noong nakaraan, isasagawa ang operasyon sa Hunyo 14-Hulyo 29. Orihinal itong iniskedyul para sa Marso 16-Abril 30. Sinanay ang lahat ng tagapanayam sa mga protokol sa pagdidistansya sa mga tao, at bibigyan ng Personal na Pumuprotektang Kasuotan (PPE, Personal Protektive Equipment) at susundin ang lokal na mga patnubay para sa paggamit sa mga ito.
Sisimulan ng Kawanihan ng Senso ang paglulunsad muna sa maliit na grupo (soft launch) ng Hindi Tugon na Pag-followup.
Rutinang “maglulunsad muna sa maliliit na grupo” ang Kawanihan ng Senso upang masigurong gumagana ang mga sistema, operasyon, plano sa field gaya ng nararapat. Simula sa kalagitnaan ng Hulyo, anim na opisina ng senso ng lugar (mga ACO) (isa kada rehiyon ng senso) ang magsisimula ng operasyon ng pag-iinterbyu sa mga sambahayan na hindi pa sumasagot sa 2020 Senso. Iaanunsyo ang anim na ACO bago sumapit ang katapusan ng Hunyo. Iaanunsyo ang mga karagdagang ACO para sa pangalawang grupo ng paglulunsad sa maliit na grupo na isasagawa sa huling bahagi ng Hulyo. Bukod sa mga ACO na bahagi ng paglulunsad sa maliit na grupo, ang lahat ng natitirang ACO ay sisimulan ang Hindi Tugon na Pag-followup sa Agosto 11 at tatapusin sa hindi lalampas ng Oktubre 31.
Ang lahat ng tagapanayam ay sasanayin sa mga protokol sa pagdidistansya sa ibang tao. Bibigyan sila ng PPE at susundin ang mga lokal na patnubay sa paggamit sa mga ito.
Palalawigin ng Kawanihan ng Senso ang Malayong Alaska sa Agosto.
Pagkatapos ng karagdagang pag-aaral at sa pakikipagtulungan ng malalayong nayon ng Alaska, patuloy ng bibilangin ng Kawanihan ng Senso ang mga taong naninirahan sa malayong Alaska hanggang Agosto. Hanggang sa Hunyo 11, 78% ng gawain para sa malayong Alaska ay nakumpleto na.
Bibilangin ng Kawanihan ng Senso ang mga taong naninirahan sa pansamantalang lokasyon sa Setyembre.
Sa pagitan ng Setyembre 3 at Setyembre 28, bibilangin ng mga tagapanayam ang mga taong nananatili sa mga lugar ng kampo, RV park, marina, at hotel kung hindi sila kadalasang naninirahan sa ibang lugar. Ang operasyong ito na kilala bilang Pagbilang sa mga Pansamantalang Lokasyon na dating naka-iskedyul na maisagawa sa pagitan ng Abril 9 at Mayo 4.
Ibinalik ng Programa sa Pakikipagsosyo at Pakikipag-ugnayan sa Komunidad (CPEP) ng Kawanihan ng Senso ang mga personal na pinupuntahang kaganapan.
Sa pakikipagtulungan sa lokal na patnubay, ibinalik ng mga espesyalista sa sosyohan ang mga personal na pagsusumikap sa simula ng Hunyo habang nakikipagtulungan sa 370,000 kasosyong organisasyon at personal na dumadalo sa mga kaganapan sa buong bansa kung saan ligtas na gawin ito. Sa nagdaang ilang buwan, ang mga pagsusumikap sa pag-abot ng CPEP ay binubuo sa pangkalahatan ng mga birtwal na pakikibahagi upang suportahan ang mga utos ng pananatili sa bahay at pagdidistansya sa ibang tao.
Ang programang Mobile na Tulong sa Palatanungan (MQA) ng Kawanihan ng Senso ay binabago upang sumalamin sa kasalukuyang kapaligiran.
Inaasahan naming magagawa ng staff ng MQA na muling simulan ang paghahandog ng personal na pagtulong sa pagsagot sa palatanungan sa mga piling lugar batay sa mga kasalukuyang kondisyon ng kalusugan. Magdadagdag din ang programang ito sa portfolio nito ang mga aktibidad upang isama ang mga direktang pagsusumikap sa pag-abot sa loob ng mga kapitbahayang pinaka-hindi sumasagot sa buong bansa. Ang lahat ng staff ng Kawanihan ng Senso na nakikibahagi sa MQA ay susundin ang mga lokal na patnubay kaugnayn ng PPE at pagdidistansya sa mga tao.
Ipagpapatuloy ng Kawanihan ng Senso ang kampanya nito para sa komunikasyon hanggang Oktubre 2020 — ang katapusan ng mga operasyon ng pagkolekta ng data para sa 2020 Senso.
Pinagtibay ng Kawanihan ng Senso ang kampanya para sa komunikasyon at naglunsad ng serye ng mga bagong anunsyong nakatuon sa pagpaparami ng pagsagot online sa 2020 Senso habang karamihan sa buong bansa ay nananatili sa bahay na isinasagawa ang pagdidistansya sa ibang tao. Pinaplano ang karagdagang bayad na media para sa Hulyo, Agosto at Setyembre.
Naaabot ng pinalawak na kampanya sa pag-aanunsiyo ang mga bagong tagapakinig sa 33 wika, na itataas ang kabuuan sa 45 wikang hindi Ingles na nakakatanggap ng ilang antas ng suporta ng bayad na media. Ang pinaraming mga wika ay tatanggap ng ilang kumbinasyon ng bayad na pananaliksik, print o digital na pag-aanunsiyo.
Bukod dito, pinalawak ng Kawanihan ng Senso ang listahan ng vendor ng media upang madagdagan ang maaabot ng Kawanihan ng Senso ang hindi gaanong nabibilang na mga populasyon ayon sa kasaysayan sa pamamagitan ng bayad na pag-aanunsiyo sa platapormang digital, print, telebisyon at radyo.
Ang lahat ng update sa mga operasyong nakabalangkas sa itaas ay isinasama ang pinakabagong pederal, pang-estado (state) at lokal na mga patnubay tungkol sa PPE at mga regulasyon. Para sa kaligtasan ng aming staff at ng publiko, kumuha ang Kawanihan ng Senso ng PPE para sa lahat ng field staff, kabilang ang mga nagtatrabaho sa field office. Ang mga materyales na ito ay magiging ligtas at ibinibigay sa staff habang nagsisimula ang mga operasyon. Susundin ng staff ng Kawanihan ng Senso ang gabay ng lokal na opisyal sa kalusugan kapag nagsusuot ng PPE.
Ngayong araw, inanunsyo ng Kawanihan ng Senso ang mga ini-update na plano upang bilangin ang mga taong nakakaranas ng mawalan ng tahanan. Patuloy na bibigyan ng Kawanihan ng Senso ang publiko ng update sa mga operasyon ng 2020 Senso. Bisitahin ang timeline ng operasyon para sa 2020 Senso para sa higit pang mga detalye.