Tauhan ng America Counts – Nobyembre 13, 2019
Isang pagsubok ang pagbilang sa bawat taong nasa Estados Unidos sa isang senso na ginagawa bawat 10 taon. Ngunit ang pagbilang sa bawat sanggol at batang nagsisimulang maglakad sa bansa ay maaaring isa sa pinakamahirap na bahagi ng trabaho.
Madalas na hindi napapagtanto ng mga magulang at adult na may maliliit na anak na kailangan nilang isama ang lahat ng anak na kasama nilang naninirahan nang buong oras o karamihang oras man lamang.
Nagtatrabaho ang Kawanihan ng Senso upang turuan ang publiko na dapat mabilang ang maliliit na bata kung nakatira sila at natutulog sa isang tirahan sa karamihan ng oras. Dapat bilangin ang isang bagong silang na sanggol kung siya ay isinilang sa o bago ang Abril 1, 2020.
Sa Senso ng 2010, halos 1 milyong bata (4.6% ng mga batang wala pang edad na 5) ang hindi nabilang, ayon sa Kawanihan ng Senso ng U.S.
Sa katunayan, ang mga batang wala pang edad na 5 ay isa sa pinakamalaking grupo ng mga taong hindi nabibilang nang tumpak sa Estados Unidos.
Magiging lubhang mahalaga sa 2020 Senso ang pagbilang sa maliliit na bata dahil ginagamit ang estadistika ng populasyon ng lokal, estado, at pederal na mambabatas upang pagpasyahan kung paano gagastusin ang bilyun-bilyong dolyar na pondo ng pederal at estado taun-taon sa susunod na 10 taon.
Marami sa perang iyon ay pinopondohan ang mga programa na direktang nakakaapekto sa mga bata. Kasama rito ang tulong sa nutrisyon, Head Start, espesyal na edukasyon, pangangalaga sa ampunan, Medicaid, at Programang Insurance sa Kalusugan ng mga Bata at tulong sa pabahay upang tulungan ang pamilya ng bata.
Ang pag-alam kung ilang bata ang nakatira sa isang komunidad ay ang pundasyon ng maraming mahahalagang pagpapasya ng munisipyo. Halimbawa, dapat bang magtayo ang komunidad ng bagong aklatan? Isang bagong paaralan? Isang bagong ospital? Dapat bang palawakin ang Head Start para sa mga batang nasa pre-K?
Ang mga lokal na desisyong ito ay inihahatid ng mga pagbabago sa populasyon, at kadalasan ng pagdami ng bilang ng mga bata. Maaaring kailangan ang isang bagong paaralan dahil sa dumaming mga isinilang sa isang lugar ngunit maaaring hindi maitayo ang paaralan kung lahat ng bagong silang at mga batang nagsisimulang maglakad – mga batang mag-aaral sa hinaharap – ay hindi mabilang.
Sinabi ni Karen Deaver, tagapamahala ng programa para sa pagsisikap na maiwasan ang hindi tumpak na pagbilang ng maliliit na bata sa 2020 Senso at pinuno ng Task Force sa Hindi Tumpak na Pagbilang ng Maliliit na Bata ng Kawanihan ng Senso, na nakikipagtulungan na Kawanihan ng Senso sa mga pampubliko at pribado kasama at tagapagturo upang matiyak na lahat ng bata ay mabibilang sa 2020.
“Tinatanggap namin ito ay paulit-ulit na problema at ito ay isang growing problem,” sabi niya.
Nagtatrabaho ang Kawanihan ng Senso upang turuan ang publiko na dapat mabilang ang maliliit na bata kung nakatira sila at natutulog sa isang tirahan sa karamihan ng oras. Dapat bilangin ang isang bagong silang na sanggol kung siya ay isinilang sa o bago ang Abril 1, 2020.
Bilang bahagi ng pagsisikap na ito, isinama ng Kawanihan ng Senso ang pagmemensahe sa mga pagsisikap nito sa pag-aanunsiyo at komunikasyon, nakipagpareha sa mga pambansa at lokal na organisasyon na tumutuon sa maliliit na bata at naglimbag ng mga materyales online kasama ang isang dedicated web page sa pagbilang sa maliliit na bata. Pinalawak din nito ang mga materyales na Statistics in Schools at pag-abot upang isama ang mga pre-school.
Bakit Nakakaligtaan Ang Maliliit Na Bata?
Kung minsan nakakaligtaan ang mga bata dahil lang sa hindi ibinabalik ng mga adult sa kanilang sambahayan ang palatanungan ng senso.
Pinakamadalas, ang mga taong nagbabalik ng mga form ay nalilimutan lang na bilangin ang bawat isang kasama nila sa bahay. Maaaring makaligtaan nila ang maliliit na batang nakatira sa kanila o maaaring pansamantalang nananatili sa kanila.
Pinakamadalas nangyayari ito sa tinatawag na “mga complex household” — halimbawa, yaong may maraming henerasyon ng isang pamilya, mga hindi magkakamag-anak na magkakasamang nakatira, at mga nahaluang pamilya o pamilyang nag-ampon.
Sa 2010 Senso, humigit-kumulang sa 40% ng lahat ng maliliit na bata ang nasama sa ilalim ng kategoryang complex household, ayon sa Kawanihan ng Senso.
Ang mga taong lumilipat o gumagala sa Araw ng Senso ay nasa mataas na panganib din. Ginagawa ng paglilipat na ito na mahirap bilangin ang mga bata.
“Maaaring ito ay isang sitwasyon kung saan ang ina at ang mga anak ay nakatira sa lola nang pansamantala hanggang sa makatayo sa kanyang sariling mga paa ang ina,” sabi ni Deaver.
Ngunit hindi naisip ng lola na ibilang ang mga bata kapag kaniyang natanggap ang palatanungan ng senso.
Ayon sa Kawanihan ng Senso, ang mga batang nakatira sa mga tirahan kung saan ang mga adult ay may limitadong kakayahan sa pagsasalita ng Ingles o naghihikahos sa buhay ay mas malamang din na hindi mabilang.
Kung nakatira ang mga pamilya sa pabahay na tumatanggap ng tulong mula sa pamahalaan na naglilimita kung ilan ang makakatira sa bawat yunit, maaaring mag-atubili ang mga tao na iulat ang lahat ng nakatira doon at maaaring matakot na isama ang lahat ng bata sa palatanungan ng senso.
“Maaaring may isang pamilya [na ang mga puno ng sambahayan] ay hindi sinasabi sa kasera ang tungkol sa kanila,” sabi ni Ashley Austin, ang Pinuno sa Komunikasyon para sa Pagbilang ng Maliliit na Bata ng Kawanihan ng Senso sa 2020 Senso. “Kung hindi dapat naroroon ang pamilya, o sila ay pansamantalang nanatili lamang sa bahay ng ibang tao,” maaaring hindi sila ibilang ng puno ng sambahayan.
Ngunit dapat nila itong gawin.
Ang mga sagot sa 2020 Senso ay kompedensiyal at protektado ng batas. Hindi maaaring ibahagi ang mga ito sa alinmang ahensya na nagpapatupad ng batas o imigrasyon gaya ng Imigrasyon at Pagpapatupad ng Adwana (Immigration and Customs Enforcement o ICE). At siyempre, ang mga sagot ay hindi kailanman ibabahagi sa mga kasera o sinumang iba pang indibidwal. Ginagamit lang ang impormasyong nakolekta upang gumawa ng estadistika.
Ang Hindi Pagbilang sa Maliliit na Bata Ay Makakaapekto sa Kanila nang Maraming Taon
Dahil tumutulong ang mga resulta ng senso upang matukoy kung saan ipamamahagi ang mga pondo ng pederal para sa mga programa na mahalaga para sa mga bata, mahuhubog ng tumpak na pagbilang ang kinabukasan ng isang bata para sa susunod na dekada at lampas pa.
Mahalagang bilangin ang maliliit na bata ngayon upang mayroon sila ng mga mapagkukunang kailangan nila habang sila ay lumalaki. Nagsisimula ang lahat ng ito sa pagsagot sa 2020 Census.
“Makakaapekto sa komunidad sa susunod na 10 taon ang hindi pagbilang sa mga bata sa senso. Gusto naming maging magamit ang mga programang tumutulong na sumuporta sa mga pundasyon na kailangan ng mga bata sa panahon ng kanilang paglaki,” sabi ni Austin.