Medicare Tip #8-Q4: Benefits of having Eastern Medicare coverage

Ito ay serye ng Medicare Tips hatid ng Clever Care Health Plan, isang nangungunang tagapagbigay ng East meets West Medicare services na sensitibo sa kultura ng kanilang mga miyembro.

Ang Eastern medicine, na kung tawagin din ay tradisyonal na Chinese medicine, ay ang pinakamatandang sistema ng medisina sa buong mundo. Di tulad ng Western medicine, ang Eastern medicine ay naka-focus sa life force na kung tawagin ay “Qi” (o chi) na dumadaloy sa ating mga katawan, na kung makompromiso, ay maging dahilan ng madaling pagkapit ng sakit. Hahanapin ng mga doktor ang emotional at physical imbalances, at pagkatapos ay gagamitan ang pasyente ng isang holistic approach para sila ay gumaling, at mabalik ang kanilang chi.

Karamihan sa Eastern remedies ay natural na paraan ng pagpapagaling na subok na ang pagiging epektibo. Kaya nga kahit na sa Amerika, ang kombinasyon ng Eastern at Western care ay nagiging kilala na bilang mahusay na paraan para maiwasan at mapagaling ang ilang problema sa kalusugan.

Habang ang karamihan sa Eastern medicine treatments ay hindi covered ng Original Medicare, may mga plano na nag-aalok ng additional benefits para sa Eastern treatments. Halimbawa, sa Clever Care Medicare Advantage plan, puwede kayong makatanggap ng coverage para sa acupuncture, herbal supplements, cupping therapy, Tai Chi classes, MedX treatment, message therapy, reflexology, at infrared therapy.

Acupuncture

Benefits of Eastern Medicine:
• Acupuncture ay isang technique para mabawasan ang pananakit ng katawan at iba pang mga kondisyon gamit ang pagturok ng maninipis na karayom sa balat para ma-stimulate ang specific points sa katawan.

• Herbal supplements ay kadalasang hinahalo sa mga tsaa o sabaw para bumalik ang sigla at balanse laban sa salungat na sources ng energy.

Cupping therapy

• Cupping Therapy ay ginagawa para tumaas ang daloy ng dugo sa pamamagitan ng suction sa balat gamit ang baso (o iba pang material) para sa mabilis na paggaling at mabawasan ang pananakit ng katawan.

• Tai Chi Classes ay tumutulong para mapabuti ang ating posture, balance, flexibility, at strength. Dulot din ng Tai chi ang pagganda ng ating mood, mabawasan ang pananakit ng katawan, kalakasan ng immune system, at kalusugan ng puso.

• MedX Treatment ay isang advanced rehabilitative equipment na dinisenyo para ma-isolate at gamutin ang chronic neck at back pain kasama na ang dysfunction sa pamamagitan ng pagpapalakas ng spinal muscles.

• Message Therapy ay rekomendado bilang isang treatment para sa lower back pain, cancer-related pain, carpal tunnel, high blood pressure, migraines, reducing swelling, at marami pang medical issues.

• Reflexology ay ang paggamit ng pressure on specific points sa inyong mga paa, kamay, o tenga para mabawasan ang stress sa katawan. Ang treatment na ito ay ginagamit para mabawasan ang pananakit ng katawan, anxiety, sinus issues, at marami pang iba.

• Infrared Therapy ay gumagamit ng ilaw para ma-target ang mga cell para mag-regenerate or repair themselves. Maari itong gamitin sa paggamot ng skin ulcers, mga sugat, at iba pang katulad na mga kondisyon.

Sa Clever Care’s Medicare Advantage plan, puwede kayong makatipid sa malaking out-of-pocket costs para sa commonly used Eastern medicine care. Kapag pinagsama ito sa Western medicine services na offered ng Original Medicare plans, puwede ninyong mapanatili ang inyong optimum health.

Para sa mga detalyeng sakop ng inyong Medicare plan, tumawag lamang sa in-language helpline hatid ng Clever Care Health Plan. Handang magbigay ng libreng konsulta ang aming Tagalog-speaking agents, at inyong maging gabay sa aming proseso. Tawag na sa (833) 388-2461 (TTY: 711), mula 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes hanggang Biyernes.

Ang Clever Care Health Plan, Inc. ay isang HMO plan na may Medicare contract. Ang enrollment ay naka-depende sa contract renewal. Ang Clever Care Medicare Advantage Plan ay offered lamang sa mga residente ng Los Angeles County, Orange County, at San Diego County.

Back To Top