Ito ay serye ng Medicare Tips hatid ng Clever Care Health Plan, isang nangungunang tagapagbigay ng East meets West Medicare services na sensitibo sa kultura ng kanilang mga miyembro.
Para sa malapit nang mag-65, maraming importanteng desisyon na kailangang gawin para sa inyong healthcare coverage. Narito ang ilang helpful tips para maintindihan ang iba’t-ibang parte ng Medicare.
Karaniwang covered ng iba’t-ibang parte ng Medicare ang partikular na mga serbisyo. Pinipili ng halos lahat ng beneficiaries ang makatanggap ng Parts A at B benefits sa pamamagitan ng Original Medicare, ang tradisyonal na fee-for-service program na direktang inaalok ng federal government. Ang Part C ay kilala bilang Medicare Advantage. Ito ay isang all-inclusive na plano na inaalok ng pribadong insurance companies, na kung saan pinagsasama nito ang iba’t-ibang parte ng Medicare sa loob ng isang plano. Halos lahat ng Medicare Advantage plan ay may kasama na rin na prescription drug coverage
Four parts of Medicare – Parts A, B, C & D
Di tulad ng traditional health insurance plans, nahahati ang Medicare sa apat na bahagi na sakop ang iba’t-ibang serbisyo.
Part A:
Ang Medicare Part A ay hospital insurance. Covered nito ang inpatient care at mga ospital, skilled nursing facilities, hospice, at certain home health services. Ang ibig sabihin ng “inpatient” ay isang pasyente na na-admit ng pormal sa isang ospital ayon sa payo ng kanilang doktor.
Part B:
Medicare Part B ay insurance para sa doctor visits, preventive screenings, lab tests at ambulance services. Ang mga serbisyong ito ay tinuturing na “outpatient” at tinatanggap ng isang pasyente bago pa mag-issue ang kanilang doktor ng pormal na order for admission sa isang ospital o iba pang inpatient facility.
Binubuo ng Parts A at B ang tinatawag na Original Medicare.
Part C:
Ang Medicare Part C ay isang private insurance na tinatawag din na Medicare Advantage. Covered ng Part C ang ospital at outpatient services, kasama ang mas maraming benefits kaysa sa Original Medicare, tulad ng vision, dental, at hearing. Kasama sa ilang mga plano ang prescription drug coverage. Para sa mga tao na gusto ng predictable out-of-pocket costs at comprehensive coverage, madalas ay pinipili nilang mag-enroll sa isang Medicare Advantage plan.
Part D:
Ang Medicare Part D ay para sa prescription drug coverage, at ito ay optional. Kung kailangan ninyo ng drug coverage, may dalawa kayong choices. Puwede kayong sumali sa “stand-alone” na prescription drug plan mula sa isang pribadong insurer, o sumali sa isang Medicare Advantage plan na may kasama nang prescription coverage. Alalahanin na kapag pinili ninyong huwag kumuha ng prescription drug coverage sa panahong kayo’y unang naging eligible, puwede kayong magbayad ng late enrollment penalty kapag sumali kayo sa isang Part D plan later on. Puwedeng hindi mag-apply ang penalty kung mayroon kayong ibang creditable drug coverage, o mag-qualify para sa Extra Help.
Sa madaling salita, kapag inyong pinili ang Original Medicare, tatanggap kayo ng Part A at B benefits. Kapag nag-enroll sa isang Medicare Advantage plan na may Part D, tatanggap kayo ng Parts A, B, C, at D.
Bago pa mag-sign up para sa Medicare, magsaliksik muna base sa kung saan kayo nakatira, sa mga doktor na inyong gusto, sa inyong kinikita, kondisyon ng inyong kalusugan, at coverage na kakailanganin.
Para sa mga tamang desisyon ukol sa inyong kalusugan, tumawag na sa Clever Care Health Plan helpline. Handang magbigay ng libreng konsulta ang aming Tagalog-speaking agents, at inyong maging gabay sa aming proseso. Tawag na sa (833) 388-2461 (TTY: 711), mula 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes-Linggo simula Oktubre 1 hanggang Marso 31, at 8 a.m. hanggang 8 p.m., Lunes-Biyernes simula Abril 1 hanggang Setyembre 30.
Ang Clever Care Health Plan, Inc. ay isang HMO plan na may Medicare contract. Ang enrollment ay naka-depende sa contract renewal.