A Message Brought to You by Los Angeles County
By Dr. Eloisa Gonzales, Los Angeles County Department of Public Health
Q: Maaari ko bang kunin ang bakuna ng Pfizer para sa unang dosis (dose) at Moderna para sa pangalawang dosis, o ang kabaligtaran nito?
A: Hindi. Kinakailangan mong kunin ang magkaparehong tipo ng bakuna para sa dalawang dosis. Ang pagiging epektibo ng bakuna ay maaapektuhan kapag hindi magkapareho ang tipo ng bakuna na iyong kukunin.
Q: Kailan nagsisimulang magbigay ng proteksiyon ang mga bakuna?
A: Ikaw ay masasabing ganap na nabakunahan (fully-vaccinated) pagkaraan ng dalawang linggo matapos ang iyong pangalawang dosis para sa Pfizer o Moderna, o dalawang linggo pagkatapos ng nag-iisang dosis ng Johnson & Johnson. Sa panahon na ito, dapat mong ipagpatuloy ang mga pag-iingat habang hindi ka pa nabibigyan ng anumang dosis ng mga naturang bakuna.
Q: Nakuha ko na ang pang-unang dosis ngunit di ko nagawa ang pangalawang dosis. Kinakailangan ko bang gawin uli ang pang-unang dosis?
A: Dapat mong subukan na kunin ang pangalawang dosis makalipas ang dalawampu’t isang (21) araw matapos ng iyong unang dosis para sa bakuna ng Pfizer, o dalawampu’t walong araw (28) para naman sa bakuna ng Moderna. Kung hindi mo nakuha ang pangalawang dosis sa loob ng nakatakdang panahon, kailangan mong kunin ito sa lalong madaling panahon. Hindi ka masasabing ganap na nabakunahan kapag hindi mo nakuha ang dalawang dosis.
Q: Maaari ko bang bisitahin ang aking pamilya, pati na ang mga matatanda kong kamag-anak, kapag ako ay nabakunahan an?
A: Depende sa sitwasyon. Ang mga ganap na nabakunahan na tao ay maaaring makipagkita sa mga kapwang ganap na nabakunahang tao na hindi nagsusuot ng angkop na pantakip sa mukha (face mask) o naglalagay ng tamang agwat sa isa’t isa (social distancing).
Ang mga ganap na nabakunahan ay maaari din na makipagkita sa mga tao na kabilang sa kanilang kabahayan na hindi pa nababakunahan o di kaya ay di pa ganap na nabakunahan kung sila ay hindi nanganganib na magkaroon ng seryosong sakit mula sa COVID-19.
Q: Sinu-sino ang mga maaaring mabigyan ng bakuna?
A: Lahat ng tao na labindalawang (12) taon gulang at higit pa na nakatira o nagtatrabaho sa probinsiya ng Los Angeles ay maaaring makakuha ng bakuna laban sa COVID-19. Ang mga tao na ang edad ay labingwalong (18) taon at pababa ay puwedeng bigyan lamang ng bakuna ng Pfizer, ayon sa patnubay ng FDA.
Bisitahin ang www.vaccinatelosangeles.com upang gumawa ng inyong appointment sa pagpapabakuna. (Advertising Supplement)