KUNG ang magulang na U.S. citizen (USC) ay magkaroon ng anak na isinilang sa ibang bansa o sa labas ng U.S., ang kapanganakan ay dapat iulat sa lalong madaling panahon sa U.S. Consulate o U.S. Embassy upang makakuha ng Consular Report of Birth Abroad (CRBA). Ang CRBA ay ebidensiya ng U.S. citizenship ng batang isinilang sa ibang bansa sa magulang na nakatupad sa requirements para sa pagbigay ng U.S. citizenship sa ilalim ng Immigration and Nationality Act (INA). Ang aplikasyon para sa CRBA ay kailangang gawin bago ang ika-18 na kaarawan ng bata.

Upang makapagbigay ng U.S. citizenship ang magulang na USC sa anak na isinilang sa ibang bansa, ang magulang ay (1) dapat USC na noong isinilang ang bata at (2) nagkaroon na ng sapat na physical presence sa loob ng U.S. Ang physical presence requirement ay depende sa petsa ng kapanganakan ng bata at kung kasal ang mga magulang noong kapanganakan ng bata.

Kung ang bata ay isinilang sa ibang bansa sa dalawang magulang na USC at ang mga magulang na ito ay kasal na noong ipinanganak ang bata, ang anak ay may karapatan sa U.S. citizenship. Kinakailangan na isa sa mga magulang ay nakatira sa U.S. bago ang kapanganakan ng bata.

Kung ang anak ay isinilang sa ibang bansa sa mga magulang na hindi kasal, ang mga regulasyon ay: (1) kung ang ina ng bata ay USC at ang bata ay ipinanganak noong Hunyo 11, 2017 o bago ang petsang ito, ang bata ay maaaring may karapatan sa US citizenship kung ang inang USC ay may tuloy-tuloy na physical presence sa US ng isang taon (365 araw) o higit pa dito bago ang kapanganakan ng bata; (2) kung ang ina ng bata ay USC at ang bata ay ipinanganak noong Hunyo 12, 2017 o pagkatapos ng petsang ito, ang bata ay maaaring may karapatan sa U.S. citizenship kung ang inang USC ay may physical presence sa US ng 5 taon at ang 2 taon dito ay noong ang ina ay may 14 taon gulang na, at bago ang kapanganakan ng bata; (3) kung ang ama ng bata ay USC at ang kapanganakan ay noong Nobyembre 14, 1986 o pagkatapos ng petsang ito, ang anak ay maaaring may karapatan sa the U.S. citizenship kung ang amang USC ay may physical presence sa U.S. ng 5 taon, at ang 2 taon dito ay noong ang ama ay may 14 taon gulang na, at bago ang kapanganakan ng bata.

***

If a child is born to a U.S. citizen parent abroad, the child’s birth should be reported as soon as possible to the U.S. Consulate or U.S. Embassy to obtain a Consular Report of Birth Abroad (CRBA). This is evidence of U.S. citizenship of a child born abroad to a US citizen parent/s who meet the requirements for transmitting citizenship under the Immigration and Nationality Act (INA). CRBA applications must be made before the child’s 18th birthday. It is recommended that the parents apply for CRBA as soon as possible after the child’s birth.

In order to transmit U.S. citizenship to a child, the U.S. citizen (USC) parent must have been a USC at the time of the child’s birth and must have accrued sufficient physical presence in the U.S. to transmit citizenship. The physical presence requirement depends on the date of birth of the child and the marital status of the parents at the time of the child’s birth.

If a child is born abroad to two USC parents who are married at the time of birth, the child is entitled to citizenship, provided that one of the parents, prior to the birth of the child, had been a resident of the U.S.

For a child born out of wedlock abroad, the following regulations apply: (1) if the child is born to a USC mother and alien father on or before June 11, 2017, the child may be entitled to U.S. citizenship if the USC mother had been physically present in the U.S. for a continuous period of at least one year (365 days) at some time prior to the child’s birth; (2) if the child is born to a USC mother and alien father on or after June 12, 2017, the child may be entitled to U.S. citizenship if the USC mother had been physically present in the U.S. for at least 5 years, 2 years of which are at the age of 14 at some time prior to the child’s birth; (3) if the child is born to a USC father on or after November 14, 1986, the child may be entitled to U.S. citizenship if the USC father had been physically present in the U.S. for at least 5 years, 2 years of which are at the age of 14 at some time prior to the child’s birth.

***

ATTY. RHEA SAMSON is the principal of SAMSON LAW FIRM, P.C. She has been a member of the State Bar of California for over 15 years and the Integrated Bar of the Philippines for over 20 years. Atty. Samson received her Legal Management degree from the Ateneo de Manila University and her Juris Doctor degree from the Ateneo Law School. She was a Professor for over 10 years, teaching Obligations and Contracts, Labor Laws and Social Legislation and Taxation Law. Atty Samson is the author of The Law on Obligations and Contracts (2016), Working with Labor Laws-Revised Edition (2014) and Working with Labor Laws (2005).

SAMSON LAW FIRM, P.C., 3580 Wilshire Boulevard, Suite 1710, Los Angeles, CA 90010; Phone: (213) 274-4561; Email: [email protected].

Back To Top