Governor Mandanas and Senator Pacquiao

Ngayong araw, ika-24 ng Nobyembre 2023, ay nagkaroon din ng pagkakataon si Governor Mandanas na makausap si Former Senator Manny Pacquiao sa tahanan nito sa General Santos City.

Dito ay naibahagi ng gobernador ang kaniyang ilang mga inisyatibo para sa pagpapaunlad ng Lalawigan ng Batangas, kabilang ang health initiatives tulad ng pagsusulong ng ganap na implementasyon ng Universal Health Care Law at tourism development initiatives kagaya ng pagpapaunlad pa sa sektor ng turismo ng lalawigan.

Isa rin sa tinalakay ni Governor Mandanas sa dating senador ang ilang updates patungkol sa Mandanas Ruling at pagpapalakas sa kapasidad at kakayanan ng mga lokal na pamahalaan sa bansa.

The Filipino-American Community Newspaper. Your News. Your Community. Your Journal. Since 1991.

Copyright © 1991-2023 Asian Journal Media Group.
All Rights Reserved.