Mahal Kong Nanay, Tatay, Tita, Tito: Mahalaga Rin sa Amin ang Buhay ng Mga Itim

This is the Tagalog version of the open letter created by Letters for Black Lives, an ongoing project for people to create and translate resources on anti-Blackness for their communities in solidarity with #BlackLivesMatter. The letter was written and translated collaboratively by hundreds of people who want to have honest and respectful conversations with their parents about an issue important to them.

Inay, Itay, Tita, Tito, Lola, Lolo,
Marahil ay hindi ninyo nakasama ang mga itim habang lumalaki kayo. Pero para sa akin, mahalagang bahagi sila ng buhay ko: ilan po sa kanila ay aking mga kalaro, kaibigan, kabarkada, kaklase, katrabaho at kapamilya. Ngayon, natatakot ako para sa kanila.

Sa taong ito pa lamang, mahigit na 500 tao na ang pinatay ng pulis dito sa Amerika. Bente-singko porsyento (25%) sa kanila ay itim, kahit na ang mga itim ay bumubuo lamang ng 13% ng pangkalahatang populasyon dito sa Amerika. Kamakailan lang sa Louisiana, pinatay si Alton Sterling, isang itim, ng dalawang puting pulis. Walang ginawang mali si Alton kundi ang magbenta lang ng mga CD sa kalsada. Kinabukasan naman sa Minnesota, pinatay ng isang pulis, habang ginagampanan nito ang isang traffic stop, si Philando Castile sa loob ng kanyang sasakyan. Kasama ni Philando ang kanyang nobya at ang anak nito na apat na taong gulang lamang. Nasaksihan nila ang pagpatay sa kanilang minamahal. Sa kadalasan, hindi napaparusahan ang mga pulis para sa pagpatay nila sa mga taong ito.

Ang nakakasindak na katotohanang ito ay araw-araw na hinaharap ng ilan sa pinakamatatalik kong kaibigan.

Kahit na naririnig natin ang tungkol sa mga panganib na hinaharap ng mga itim, ang reaksyon po natin minsan ay ang bigyang-diin ang mga pagkakaiba natin sa kanila, ang paglayo ng ating sarili, sa halip na makiramay sa kanila. Kapag may binaril na itim ang isang pulis, maaaring iniisip po ninyo na kasalanan ito ng biktima dahil sa kadalasang paglalarawan nila sa media bilang mga kriminal at masasamang-loob. Maaaring iniisip po ninyo na kung tayong mga imigrante, na walang-wala kapag dumarating sa Amerika, ay nakakapagtiyaga at nakakapagpabuti ng ating mga buhay sa kabila ng diskriminasyon, bakit hindi sila?

Gusto ko po sanang ibahagi sa inyo ang nakikita’t nararamdaman ko.

Totoong nakakaranas po tayo ng diskriminasyon sa bansang ito dahil sa pagiging Asyano natin. Minsan binabastos tayo dahil lang sa ating pananalita. Minsan hindi tayo nakakaangat sa trabaho dahil sa tingin nila, hindi natin kaya ang mamuno. May mga kapwa po tayong Asyano na pinaghihinalaan agad na terorista. Pero sa kadalasan, hindi tayo itinuturing na mapapanganib na mga kriminal. Kapag naglalakad po tayo sa kalsada, hindi takot sa atin ang mga taong nakakasalubong natin, at hindi binabaril ng mga pulis ang mga anak o magulang natin dahil lang sa ating lahi.

Pero hindi ito masasabi ng mga kaibigan kong itim. Marami sa mga ninuno nila ang dinala sa Amerika para gawing alipin nang labag sa kanilang kalooban. Sa loob ng ilang daantaon, sila, pati na ang kanilang mga pamayanan, pamilya, at mismong katawan ay ginamit at inabuso para lang yumaman ang iba. Kahit na tapos na ang panahon ng pang-aalipin, walang institusyong tumulong sa kanila para itaguyod at panimulan ang kanilang bagong buhay. Matagal pong pinagbawal sa kanila ang bumoto at ang magmay-ari ng lupa. Hanggang ngayon, patuloy pa rin silang nakakaranas ng karahasan.

Ang pakikipaglaban ng mga itim para sa kanilang karapatan ay nagbigay-daan sa mga pagkakataon sa pag-unlad, hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para sa atin na rin. Sila’y nabugbog, nakulong at napatay pa habang pinagtatanggol ang mga karapatang tinatamasa na rin nating mga Asyanong Amerikano ngayon. Malaki ang utang na loob natin sa kanila. Kasama nila tayo sa paglaban sa iisang sistemang ‘di makatarungan at naglalayon na paglabanin tayo sa isa’t isa.

Tuwing may inosenteng pinapatay ng isang alagad ng batas, na siyang dapat nagtataguyod ng kapayapaan — kahit na Asyano pa man ang pulis — ito ay isang pagsalakay sa ating lahat at sa ating mga hinahangad na maging pantay-pantay sa ilalim ng batas.

Dahil sa lahat ng ito, sinusuportahan ko po ang kilusan ng Black Lives Matter. Bahagi ng suportang ito ang manindigan at magsalita tuwing may nakikita o naririnig ako sa pamayanan na nagmamaliit ng mga itim. Kasama sa pamayanang ito ang pamilya ko. Sinasabi ko po ito dahil mahal ko kayo, at ayaw kong maging dahilan ito ng ating hidwaan. Sana po makiramay kayo sa pagdurusa ng mga tatay, nanay at anak na namatayan ng mga minamahal dahil sa karahasan ng mga pulis. Sana rin po ay maibahagi ninyo ang sulat na ito sa mga kaibigan ninyo, at mahikayat ninyo silang makiramay at magmalasakit din.

Bilang inyong anak, habambuhay kong ipagmamalaki at pasasalamatan kayo para sa mga sakripisyo ninyo upang makarating at makapagpanibagong-buhay sa Amerika. Alam ko pong nananatili kayo rito sa kabila ng inyong mga paghihirap dahil ayaw ninyong danasin ko ang dinanas ninyo. Kahit na maraming balakid sa inyo gawa ng ating lahi, nagtitiyaga kayo para lang po maabot ko ang inaasam ninyo para sa akin: ang “American Dream.”

Pero sana po ay pag-isipan ninyo ito: ang “American Dream” ay hindi lamang para sa mga anak ninyo. Lahat po ay kasama rito, at hindi po tayo magiging ligtas hangga’t LAHAT ng ating mga kaibigan, minamahal at kapwa-tao ay ligtas din. Ang “American Dream” na hinahanap natin ay isang lugar kung saan ang bawat Amerikano ay malaya sa takot ng karahasan ng pulisya. Ito po ang gusto kong hinaharap — at sana ito rin po ang gusto ninyo.

Nagmamahal at umaasa,
Ang inyong mga anak, mga pamangkin, at mga apo

Translators
Su Layug and Tanya de Dios — Editors and translators; Nicolo Fortuna; Laura Cabochan; Gianina Chua; Iluminada Bolisay; Adrian Alarilla; Ian Macato; Terrence James Diaz; Elaine  Vilanueva Bernal; Michael Bermudez; Sheryl Bermudez; Rufino Mamuyac; Aileen Santos; Otts Bolisay — Translation Coordinator

**

Mom, Dad, Uncle, Auntie, Grandfather, Grandmother:
We need to talk.

You may not have grown up around people who are Black, but I have. Black people are a fundamental part of my life: they are my friends, my classmates and teammates, my roommates, my family. Today, I’m scared for them.

This year, the American police have already killed more than 500 people. Of those, 25% have been Black, even though Black people make up only 13% of the population. Earlier this week in Louisiana, two White police officers killed a Black man named Alton Sterling while he sold CDs on the street. The very next day in Minnesota, a police officer shot and killed a Black man named Philando Castile in his car during a traffic stop while his girlfriend and her four-year-old daughter looked on. Overwhelmingly, the police do not face any consequences for ending these lives.

This is a terrifying reality that some of my closest friends live with every day.

Even as we hear about the dangers Black Americans face, our instinct is sometimes to point at all the ways we are different from them. To shield ourselves from their reality instead of empathizing. When a policeman shoots a Black person, you might think it’s the victim’s fault because you see so many images of them in the media as thugs and criminals. After all, you might say, we managed to come to America with nothing and build good lives for ourselves despite discrimination, so why can’t they?

I want to share with you how I see things.

It’s true that we face discrimination for being Asian in this country. Sometimes people are rude to us about our accents, or withhold promotions because they don’t think of us as “leadership material.” Some of us are told we’re terrorists. But for the most part, nobody thinks “dangerous criminal” when we are walking down the street. The police do not gun down our children and parents for simply existing.

This is not the case for our Black friends. Many Black people were brought to America as slaves against their will. For centuries, their communities, families, and bodies were ripped apart for profit. Even after slavery, they had to build back their lives by themselves, with no institutional support — not allowed to vote or own homes, and constantly under threat of violence that continues to this day.

In fighting for their own rights, Black activists have led the movement for opportunities not just for themselves, but for us as well. Black people have been beaten, jailed, even killed fighting for many of the rights that Asian Americans enjoy today. We owe them so much in return. We are all fighting against the same unfair system that prefers we compete against each other.

When someone is walking home and gets shot by a sworn protector of the peace — even if that officer’s last name is Liang — that is an assault on all of us, and on all of our hopes for equality and fairness under the law.

For all of these reasons, I support the Black Lives Matter movement. Part of that support means speaking up when I see people in my community — or even my own family — say or do things that diminish the humanity of Black Americans in this country. I am telling you this out of love, because I don’t want this issue to divide us. I’m asking that you try to empathize with the anger and grief of the fathers, mothers, and children who have lost their loved ones to police violence. To empathize with my anger and grief, and support me if I choose to be vocal, to protest. To share this letter with your friends, and encourage them to be empathetic, too.

As your child, I am proud and eternally grateful that you made the long, hard journey to this country, that you’ve lived decades in a place that has not always been kind to you. You’ve never wished your struggles upon me. Instead, you’ve suffered through a prejudiced America, to bring me closer to the American Dream.

But I hope you can consider this: the American Dream cannot exist for only your children. We are all in this together, and we cannot feel safe until ALL our friends, loved ones, and neighbors are safe. The American Dream that we seek is a place where all Americans can live without fear of police violence. This is the future that I want — and one that I hope you want, too.

With love and hope,
Your children

Back To Top