Ito ay serye ng Medicare Tips hatid ng Clever Care Health Plan, isang nangungunang tagapagbigay ng East meets West Medicare services na sensitibo sa kultura ng kanilang mga miyembro.
Para sa malapit nang mag-65, maraming importanteng desisyon na kailangang gawin para sa inyong
healthcare coverage. Narito ang ilang helpful tips para maintindihan ang Medicare, at kung paano mamili ng coverage para sa inyong pangangailangan.
Four parts of Medicare – Parts A, B, C & D
Di tulad ng traditional health insurance plans, nahahati ang Medicare sa apat na bahagi na sakop ang iba’t-ibang serbisyo.
Part A:
Ang Medicare Part A ay hospital insurance. Covered nito ang inpatient care at mga ospital, skilled nursing facilities, hospice, at certain home health services. Ang inpatient ay isang pasyente na na-admit ng pormal sa isang ospital ayon sa payo ng kanilang doktor.
Part B:
Medicare Part B ay insurance para sa mga serbisyo tulad ng doctor visits, preventive screenings, lab tests at ambulance services. Ang outpatient services ay mga natanggap na serbisyo ng isang pasyente bago pa mag-issue ang kanilang doktor ng pormal na order for admission sa isang ospital o iba pang inpatient facility.
Binubuo ng Parts A at B ang tinatawag na Original Medicare.
Part C:
Ang Medicare Part C ay isang private insurance na tinatawag din na Medicare Advantage. Covered ng Part C ang mas maraming benefits kaysa sa Original Medicare, tulad ng vision, dental, hearing, at kasama sa ilan ang prescription drug coverage. Para sa mga tao na gusto ng predictable out of pocket costs at comprehensive coverage, madalas ay pinipili nilang bumili ng isang Medicare Advantage plan.
Part D:
Ang Medicare Part D ay para sa prescription drug coverage, at ito ay optional. Kung kailangan ninyo ng drug coverage, puwede kayong sumali sa isang hiwalay na prescription drug plan mula sa isang private insurer, o sumali sa isang Medicare Advantage plan na may kasamang prescription coverage. Kapag pinili ninyong huwag kumuha ng prescription drug coverage sa panahong kayo’y unang naging eligible, puwede kayong magbayad ng late enrollment penalty kung ipagpaliban ninyo ang pagsali sa plano—maliban na lang kung mayroon kayong ibang creditable drug coverage, o mag-qualify kayo para sa Extra Help.
Sa madaling salita, kapag inyong pinili ang Original Medicare, tatanggap kayo ng Part A at B benefits. Kapag nag-enroll sa isang Medicare Advantage plan na may Part D, tatanggap kayo ng Parts A, B, C, at D.
Cost Involved:
Part A: Ang premium para sa Part A ay naka-depende sa bilang ng quarters kung saan ikaw o ang iyong asawa ay nag-trabaho. Kung ang enrollee o ang kanyang asawa ay nag-trabaho ng 40 calendar quarters (10 taon) sa anumang kompanya kung saan sila ay nagbayad ng Social Security taxes sa Amerika, ito ay premium-free. Kung kulang sa 40 quarters (10 taon), kailangan nilang magbayad ng premium. Nag-iiba ang premium, depende sa bilang ng taon kung saan ang enrollee at ang kanyang asawa ay nag-trabaho.
May deductible din para sa hospital services covered sa ilalim ng Part A. Sa taong 2021, ang Part A deductible ay $1,484 bawat benefit period. Pagkatapos ma-meet ang deductible na ito, $0 na ang iyong share of cost sa unang 60 days bilang inpatient bawat benefit period. Kapag ikaw ay na-confine ng higit pa sa 60 days, mayroon kang share of cost na $371 bawat araw for days 61 hanggang 90 bawat benefit period. Nagsisimula ang benefit period sa unang araw na ikaw ay ma-admit bilang inpatient, at magtatapos sa araw na hindi ka na tinanggap bilang isang outpatient for 60 consecutive days.
Ang inpatient stays na labas sa 91 days per benefit period ay may share of cost of $742 per day at bibilangin kasama sa iyong “lifetime reserve days”. Mayroon kang panghabang-buhay na 60 reserve days. Oras na magamit mo na ang lahat ng iyong lifetime reserve days, responsibilidad mo na ang lahat ng gastos.
Part B: Required sa Part B ang monthly premium mula sa lahat ng enrollees. Ang standard amount sa taong 2021 ay $148.50, at halos lahat ng tao ay binabayaran ito. Kung ang iyong kita ay above a certain amount, maaring kailangan mong mag-bayad ng additional amount na higit pa sa standard premium. Dagdag pa sa monthly premium, ang lahat ng enrollees ay required na mag-bayad ng deductibles at out-of-pocket share of cost para sa karamihan ng serbisyo.
Sa taong 2022, ang annual deductible para sa Medicare Part B ay nakatakda sa $198. Ibig sabihin, ang bawat tao ay kailangang mag-bayad ng $198 in fees bago sagutin ng Medicare Part B ang outpatient services. Oras na maabot ninyo ang deductible na ito, tipikal na magbayad ng 20% coinsurance bilang inyong bahagi para sa gastos ng covered services.
Part C: Nabibili ang Part C coverage mula sa pribadong health insurance plans, at ang gastos at additional benefits sa kabila ng Original Medicare ay magkaiba bawat plano.
Part D: Tulad ng Part C, ang Part D ay hatid ng pribadong insurance companies. Magkaiba man ang premiums ng bawat plano ng Medicare Part D, mayroong standardization pag dating sa kung magkano ang puwedeng singilin ng insurers kung ang inyong annual income ay lagpas sa isang certain amount. Kailangan din magbayad ng deductibles. Sa taong 2022, ang set deductible para sa beneficiary ay $480.
Bago pa mag-sign up para sa Medicare, magsaliksik muna base sa kung saan kayo nakatira, sa mga doktor na inyong gusto, sa inyong kinikita, kondisyon ng inyong kalusugan, at coverage na kakailanganin.
Para sa mga tamang desisyon ukol sa inyong kalusugan, tumawag na sa Clever Care Health Plan helpline. Handang magbigay ng libreng konsulta ang aming Tagalog-speaking agents, at inyong maging gabay sa aming proseso. Tawag na: 833-388-2461 (TTY: 711), 8am—8pm, Lunes-Biyernes.
Ang Clever Care of Golden State ay isang HMO plan na may Medicare contract. Ang enrollment ay naka-depende sa contract renewal.